Bayaning Talunan* Rebyu sa Pelikulang Caregiver (2008) Direksiyon ni Chito Roño

  • Rommel B. Rodriguez

Abstract

“Fly high with us like an eagle in the sky…” mula sa billboard ng isang caregiving agency sa Session Road sa Baguio. Kung may pera sa basura, mas maraming perang makukuha sa dumi ng mamamayan ng mga mayayaman na bansa. Parang ito ang gustong tukuying moral ng pelikulang Caregiver na ipinalabas sa buong bansa, maging sa Europa. Nakatuon ang banghay ng pelikula sa sitwasyong kinasadlakan ni Sarah, isang English teacher sa elementarya na napilitang magtrabaho sa London bilang caregiver. Pangkaraniwan at madaling tanggapin ang dahilang ibinigay ng pelikula para mangibang-bansa si Sarah: kailangan nilang mag-ipon para sa kinabukasan ng nag-iisa nilang anak (na sa katapusan ay dadalhin din ni Sarah sa London para makapiling niya). Nauna nang nagtrabaho ang asawa ni Sarah, si Teddy (John Estrada), sa London bilang nurse. Sa gitnang bahagi ng pelikula’y matutuklasan ni Sarah
na isang assistant health aid lang pala si Teddy sa pinapasukan nitong ospital.
Published
2009-10-22
Section
Articles