Ang Bugtong ng Bagting ng Lira ni Maningning: Isang Rebyu ng Voices from the Underworld

  • Luna Sicat-Cleto

Abstract

Excerpt

Kumbaga sa pelikula, nagsisilbing foreshadowing ng isang mapanglaw na wakas ang pamagat ng aklat ni Maningning C. Miclat na Voices from the Underworld: A Book of Verses ( 2000). Pinili ni Maningning na wakasan ang buhay noong Septiyembre 29, 2000 sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikapitong palapag ng isang gusali sa Far Eastern University campus. Beinte nuwebe anyos pa lamang siya, may higit sa dalawampung exhibisyon nang nagawa hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba pang bahagi ng Asya, may tatlong libro ng mga tula, nag-aaral ng Masters sa Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, nagawaran ng mga premyo sa sining biswal, maaasahan sa larangan ng pagsasalin at pag-iinterpreta ng Mandarin-may maningning na kinabukasan bilang alagad ng sining, may maningning na kinabukasan bilang makata. Pagkagulat ang naramdaman ng maraming mga tao sa kanyang pagkamatay-at nagtipon silang lahat sa kanyang burol para bigyang pugay ang kapatid sa sining, kaututang dila, ang makata.
Published
2007-02-28
Section
Reviews