Mila: Drama o Melodrama?

  • Virgilio C. Ventura

Abstract

Excerpt

Isang palasak na kaalaman ang kakayahan ng pelikula na sumalamin ng buhay. Ang tunggalian ng mga pananaw tungkol dito ay natalakay na ng mga pag-aaral tungkol sa pampelikulang teorya at kritisismo. Isang malaking hamon para sa mga manunulat at direktor ng pelikula ang pagsasabuhay ng realidad sa pinilakang tabing. Kinakailangang makuha ng isang mahusay na direktor ang tamang timplada sa pagitan ng realismo at komersiyalismo o ang pagiging makatotohanan at pagiging melodramatiko. Sa mga ganitong punto ko susuriin ang pelikulang Mila ni Joel Lamangan ng Viva Films. Tatalakayin ko muna ang mga batayang teorya ng aking kritisismo bago ko talakayin ang buod, ilang teknikal na aspekto ng pelikula, at pagsusuring muling tutunghay sa mga teoryang inilatag.
Published
2007-02-28
Section
Reviews