Ang Kasaysayan ng “Sariling Uica”: (O Kun Sino ang Kumatha ng “Sa Aking mga Kabata”)

  • Ramon Guillermo

Abstract

Tatalakayin ang ilang panimulang tala at obserbasyon hinggil sa samu’t saring
pangkasaysayang batis at materyales na may kinalaman sa pagbubuo at
transpormasyon at ebolusyon ng diskurso ng “sariling wika” sa wikang Tagalog.
Mapapansing may iba’t ibang anyo ang konseptong ito tulad ng “uica natin,”
“sariling uica,” “sariling wika,” “sarili nating uica,” “sarili nating wika,” “sariling
salita,” atbp. Babaybayin ang paggamit ng ganitong mga pananalita mula kay
Tomas Pinpin (ika-16 na dantaon), kung kailan hindi pa ito naiuugnay sa ideya
ng “bansa,” hanggang kina Jose Rizal at sa henerasyong post-rebolusyonaryo
na humubog sa pangkasasalukuyang mga konotasyon at gamit nito. Papaksain
hindi lamang ang naging problematikong kasaysayan ng ganitong konsepto
sa Pilipinas kundi pati ang mga posibleng dahilan kung bakit ito naging isang
konseptong halos hindi na puwedeng kuwestiyunin at ganap na naturalisado
para sa pambansang kamalayan. Magtatapos ang pag-aaral sa ilang haypotesis
tungkol sa orihinal na may-akda ng sikat na tulang “Sa Aking mga Kabata.”

Published
2021-12-21
Section
Articles

Keywords

pambansang wika, sariling wika, Jose Rizal, Hermenegildo Cruz, Gabriel Beato Francisco