Pagbalangkas - Paghulma ng Tanong: Usaping Nasyonalismo, Pagkakakilanlan at Post-Colonial sa Paglinang ng Arkitekturang Filipino
Abstract
Ang tanong na “Ano ang Arkitekturang Filipino?” ay matagal nang lumulutang sa ilang bahagi ng industriya at akademya ng arkitektura sa Pilipinas. Bagaman at ilang dekada na ang lumipas, tila wala pa ring kasagutan ang nagtatamo. Dahil sa hindi pa ito nasasagot, wala nga ba tayong maituturing na “Arkitekturang Filipino”?
Nakaugat ang papel na ito sa haka na ang tanong na iyon ay may malalim na ugnayan sa usapin ng nasyonalismo. Kung kaya’t, ang nananaig na konsepto o pilosopiya ukol sa kinakailangang matamong nasyonalismo sa arkitektura, ang siyang humuhulma sa pagsagot sa tanong. Dahil nga rito, ang mismong pumapaimbabaw na particular na konsepto ng nasyonalismo ang pinaniniwala ang ugat ng hindi pag-usad ng usapin ng pagkakakilanlan sa arkitektura. Palagay ng papel na ito na mayroong kinakailangang pagbabago ng pilosopiya at perspektiba ukol sa kung ano ang dapat matamo sa larangan ng arkitektura sa panghinaharap na panahon.
Isinawalat ng papel na ito ang dialektikal na ugnayang nagaganap sa konteksto ng mga usapin ng nasyonalismo at pagkapostcolonial at ng tanong ukol sa pagkakakilanlang Filipino sa arkitektura. Pinagtuunan ng pansin ng papel na ito ang mga ugat na batayan, suliranin at implikasyon ng mga tanong na iyon ayon na rin sa dinamikang nagaganap ng kontemporaryong arkitektura sa Pilipinas. Hinahangad ang pagbalangkas ng alternatibong kritikal na pananaw at lapit ukol sa paglinang ng pagkakakilanlan ng Arkitekturang Filipino, sa konteksto pa rin ng mga kontemporaryong usapin ng globalisasyon at rehiyonalismo.
The copyright for the published work belongs to UPCA and its selected publisher. The contributor is free to publish a modified version of the same article in other publications.
The contributor guarantees that :
- the article does not infringe on the copyright or any proprietary right of any other person
- the article contains no libelous or other unlawful matter
- the article makes no improper invasion of the privacy of any other person.