Ang Pagtatag at Pag-unlad ng Programang Filipino at Pananaliksik Tungkol sa Pilipinas sa mga Unibersidad sa Tsina
Abstract
ABSTRAK
Itinatampok ng papel na ito ang programang Filipino sa mga Tsinong unibersidad at mga pananaliksik tungkol sa Pilipinas sa Tsina. Inilahad sa unang bahagi ang mga unibersidad sa Tsina na nagtatag na o magtatatag ng programang Filipino at ipaliliwanag ang dahilan kung bakit nagtatag ang mga unibersidad sa Tsina ng mga programang Filipino. Inilatag ang pagmamapa ng estratehiya ng pag-unlad ng programang Filipino sa Tsina sa konteksto ng Internasyonalisasyon ng Mas Mataas na Edukasyon. Dagdag pa, iniugnay rin ang mga programang Filipino sa Tsina sa pagtuturo ng Filipino sa iba pang dako ng mundo. Sa ikalawang bahagi, ipinakilala ang kasaysayan ng pananaliksik tungkol sa Pilipinas sa Tsina at ang mahahalagang bunga ng pananaliksik, kabilang ang mga pananaliksik tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, Pilipinong kultura, ekonomiya, lipunan at politika ng Pilipinas. Sa huling bahagi, tinalakay ang mga kakulangan na kailangan pang matugunan sa pagtuturo ng wikang Filipino at pananaliksik sa Tsina tungkol sa Pilipinas.
Susing Salita: Tsina, programang Filipino, pananaliksik tungkol sa Pilipinas, ugnayang Tsina-Pilipinas, mga unibersidad sa Tsina, Filipino bilang transnasyonal na wika
ABSTRACT
This paper showcases the Filipino program in Chinese universities and research on the Philippines in China. The first part introduces the universities in China which has already established or will establish the Filipino program and explain why universities in China is establishing the Filipino program in recent years. Roadmapping of Filipino program development strategies in China was contextualized in the Internationalization of Higher Education. Filipino programs in China was also discussed in connection with the teaching of Filipino language and culture in other parts of the world. In the second part, the paper presents the history of Philippine research in China and the important accomplishments of the research, including research on Philippine history, Philippine culture, the economy, society and politics of the Philippines. The final part highlights the shortcomings that can be developed in Filipino language teaching and research on the Philippines in China. Roadmapping of Filipino program development strategies in China was conducted
Key Words: China, Filipino program, research about the Philippines, China-Philippines relation, universities in China, Filipino as a transnational language