Wika at/sa/ng Media and Information Literacy: Tuon sa Pagbuo ng Mungkahing Kursong Elektib

  • Ariel U. Bosque Sentro ng Wikang Filipino

Abstract

ABSTRAK

Layon ng papel na masuri ang mga nagdaang kursong General Education at Espesyalisasyon ng programang BSE-Filipino ng Rizal Technological University; mailapat ang Acquisition Planning para sa pagtanaw sa mga nagdaang kurikulum ng programa; at makabuo ng mungkahing kursong elektib na makalilinang sa pag-aaral ng Wikang Filipino. Nagsagawa ang mananaliksik ng sarbey at suri sa mga dokumentong akademiko na may kaugnayan sa debelopment ng mga kursong Filipino sa Unibersidad, at pagsusuri gamit ang Acquisition Planning upang mataya ang operasyon ng Kagawaran, Kolehiyo, at Unibersidad, kursong pangwika at programang Filipino. Natuklasang may oportunidad pa para sa kursong pangwika upang mapunan ang kahingian para sa pagtagos ng Filipino para sa iba pang disiplina, magkaroon ng karagdagang dominyo para sa research priority areas ng Kagawaran, paggiya sa interes ng disiplinang Filipino bilang araling pang-erya, pagsasateorya ng Filipino sa iba pang diskurso, at maitawid ang produksiyon ng karunungan ng akademya tungo sa mga pamayanan, at vice-versa. Taglay ng mungkahing kurso ang paggamit ng mga konsepto, teorya, kaisipan ng araling wika tungo sa pagsasateorya nito sa Media and Information Literacy.

Mga Susing Salita: Acquisition Planning, BSE-Filipino, Media and Information Literacy, Pagpaplanong Pangwika, Programang Pangwika


ABSTRACT

This paper aims to analyze the General Education and Specialization courses under the BSE-Filipino program of Rizal Technological University; to apply Acquisition Planning in critiquing past curriculum of the program, and to generate an elective course that can develop in studying the Filipino language. The researcher surveyed and examined academic documents pertinent to the development of the Course in the University, and conducted an analysis using the Acquisition Planning to assess the operations of the Department, College, and University, Filipino language course, and program. Based on the results, there is still an opportunity for a language course to conform in the integration of Filipino in other disciplines; to develop additional domains for the research priority areas of the Department, to scaffold the interest of Filipino discipline as area studies, to theorize Filipino in various discourses, and to reconcile the knowledge production of the academic towards the communities and vice-versa. This course possesses the utilization of concepts, theories, and ideals of language studies towards its theorization in the Media and Information Literacy. 

Key words: Acquisition Planning, BSE-Filipino, Media and Information Literacy, Language Planning, Language Program

Published
2021-08-30