Pagsasapanganib ng Wika at Rebaytalisasyon ng Wika sa Polisiyang Pangwika na Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) sa Iloilo: Pagtingin sa Maykro Lebel na Pangangasiwang Pangwika
Abstract
ABSTRAK
Kilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng iba’t ibang wika. Naging usapan ang paggamit ng mother tongue sa akademikong pagtuturo sa mga mag-aaral sa elementarya bilang bahagi ng K-12 na kurikulum. Ang pag-aaral na ito ay sumusuri sa epekto ng polisiyang pangwika na Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE) sa rebaytalisasyon at pagsasapanganib ng mga umiiral na wika sa Pilipinas sa usapin ng oportunidad at akses sa edukasyon.
Bilang isang naitakdang polisiyang pang-edukasyon gamit ang Top-Bottom na pagpaplano at pagpapatupad, ang MTB-MLE ay hindi maikakailang isang politikal na desisyon na makakaapekto sa dominante at maliliit na wika sa usapin ng oportunidad at diskriminasyon kaya mahalagang tingnan ang estado ng mga wika sa ekolohiyang pangwika na humahamon sa tagapagsalita nito gayundin sa kalagayan ng mga mag-aaral sa klasrum, at sa programang pang-edukasyon.
Gamit ang pagtalakay sa ekolohiyang pangwika nina Wendel at Heinrich (2012), at sa maykro lebel na pagpaplanong pangwika ni Baldauf (2005), layunin ng papel na ito na suriin at talakayin ang epekto ng isang naitakdang polisiyang pangwika sa edukasyong nakapaloob sa MTB-MLE sa pagsasapanganib at rebaytalisasyon ng wikang Hiligaynon sa larang ng edukasyon, at suriin ang epekto ng maykro lebel na pangangasiwang pangwika sa kabuuang polisiya. Ipinapakita ng resulta ng pag-aaral na ilan sa mga nakitang dahilan sa pagsasalungat ng mga stakeholder sa polisiya ay ang kakulangan ng training ng mga guro sa paggamit ng Hiligaynon bilang midyum sa pagtuturo at pagtuturo nito bilang isang sabjek, linggwistik atityud, at ekonomik na kondisyon ng Iloilo. Ayon sa pag-aaral, hindi man nagsasapanganib ang polisiya sa Hiligaynon na pangunahing wika sa Iloilo at isa rin sa mga pangunahing wika sa bansa, nalalagay naman sa alanganin ang pagkatuto ng ilang mag-aaral na hindi unang wika ang Hiligaynon.
Susing salita: multilingguwalismo, Mother Tongue Based-Multilingual Education, ekolohiya ng wika, pagsasapanganib ng wika, pangangasiwang pangwika
ABSTRACT
Philippines is known for having diverse languages. There has been an ongoing discussion on the use of the mother tongue in academic instruction for elementary students as part of the K to 12 Basic Education curriculum. This study examines the effect of the Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE) language policy on the endangerment and the revitalization of existing Philippine languages in terms of educational opportunities and access.
As an established educational policy using the Top-Down planning and implementation, MTB-MLE is undeniably a political decision that affects the dominant and small languages in terms of opportunity and discrimination, so therefore, it is important to look at the state of languages in the language ecology that challenges its speaker as well as the situation of students in the classroom, and in the educational program.
Using the discussion of language ecology by Wendel and Heinrich (2012) and Baldauf's micro-level language planning (2005), this paper aims to examine and discuss the impact of a defined language education policy contained in the MTB-MLE on the endangerment and the revitalization of the Hiligaynon language in the field of education, and analyze the impact of micro level management on the overall language policy. The results of the study show that some of the reasons of the opposition of the stakeholders to the policy are the lack of training of teachers in using Hiligaynon as a medium of instruction and teaching it as a subject, linguistic attitude, and economic condition of Iloilo. According to the study, although the policy does not endanger Hiligaynon, the major language in Iloilo and one of the major languages in the country, it puts the performance and learning of some students whose first language is not Hiligaynon at risk.
Key words: multilingualism, Mother Tongue Based-Multilingual Education, language ecology, language endangerment and revitalization, language management