Ang Pagsusunong ng Pupuwa ng Kababaihang Gaseña
Abstract
ABSTRAK
Isang mahalagang tradisyon ang isinasagawa ng kababaihan tuwing Semana Santa sa Gasan, Marinduque: ang pagsusunong ng pupuwa. Katuwang ang iba pang mga namamanata sa kani-kanilang anyo ng pagdarasal at pagluluksa, sunong-sunong ng mga babaeng deboto ang pumpon ng mga dahon ng pupuwa sa kanilang ulo, nagdaramit ng itim at maluwang na damit, nagtatanggal ng sapin sa paa, at lumalahok sa prusisyong idinaraos tuwing Biyernes Santo. Maiuugnay ang tradisyon sa sinibulan nitong mga panrelihiyong institusyon, ang mga simbahang Romano Katoliko at Iglesia Filipina Independiente; dalawang nagtatalabang institusyong Kristiyano na masasabing nakatagpo ng kaisahan sa naturang tradisyon. Sa pamamagitan ng mga nakalap na panayam, mahihinuha ang ilang konseptong nakapaloob sa panata tulad ng pagtatambal ng pagsisisi at paghiling, indibidwalistikong pamamanata, at pagsasalin ng tradisyon sa kasunod na salinlahi. Maipopook ang pagsusunong ng pupuwa sa mga tradisyon at pakahulugan na umuugat pa sa panahong prekolonyal. Dagdag pa, ibinabahagi rin sa mga pananaliksik at diksiyonaryong botanikal ang pagkakatala, gamit, at pakinabang ng halamang pupuwa (Polyscias fruticosus (L.) Harms) sa mga pamayanan tulad ng Gasan. Sa kabuuan, hindi maaalis sa mayamang kultura at pagkakakilanlan ng Gasan ang natatanging ambag ng pagsusunong ng pupuwa ng kababaihang Gaseña.
Mga susing salita: Pagsusunong ng pupuwa, kababaihan, Gasan, Marinduque, tradisyon, pamamanata
ABSTRACT
During the Holy Week in Gasan, Marinduque, women observe an important tradition: the pagsusunong ng pupuwa (bearing of pupuwa). Along with other Christian believers performing their own prayers and acts of mourning, the women devotees carry on their heads a crown of pupuwa leaves while wearing loose black robes and walking barefooted as they partake in the Good Friday procession. This tradition can be connected to the two religious institutions where it has been practiced, the Roman Catholic Church and the Philippine Independent Church; two interrelated Christian institutions that found unity in the said tradition. Through interviews, one may extract some concepts embedded within the said devotion, such as the duality of repentance and wishing, individualistic devotion, and the passing of the tradition to the next generation. The bearing of pupuwa can be located within the traditions and meanings that root back to the precolonial period. Moreover, one may find in the botanical studies and dictionaries the documentation, function, and benefits of the pupuwa plant (Polyscias fruticosus (L.) Harms) to communities such as Gasan. Overall, the bearing of pupuwa by the Gaseña women significantly contributes to the rich culture and identity of Gasan.
Key words: Bearing of pupuwa, women, Gasan, Marinduque, tradition, devotion