Ang Pangako ng Sosyolohikal na Imahinasyon: Salin ng Unang Bahagi ng The Sociological Imagination ni C. Wright Mills
Abstract
ABSTRAK
Si Charles Wright Mills (1916-1962) ay isang sosyologo at propesor ng Sosyolohiya sa Columbia University. Pinakakilala siya dahil sa librong The Sociological Imagination (Ang Sosyolohikal na Imahinasyon) (1959), isang klasikong akda na naglalaman ng konseptuwal na balangkas sa pagsusuri ng lipunan, ng metodolohiya o paraan upang maintindihan at mapag-aralan ito, at ng hamon sa mga estudyante at iskolar ng agham panlipunan na gawing makabuluhan ang kanilang pag-aaral ng lipunan. Bagamat may sampung kabanata ang libro, ang unang kabanata na may pamagat na “The Promise” (Ang Pangako) ang pinakatanyag sapagkat dito malinaw na binaybay at ipinaliwanag ni Mills ang konsepto at kabuluhan ng “sosyolohikal na imahinasyon.” Ito rin ang dahilan kung bakit ang una hanggang ikatlong bahagi ng kabanatang “The Promise” ang napiling isalin mula sa Ang Sosyolohikal na Imahinasyon. Dito matatagpuan ang depinisyon, halaga, at balangkas ng naturang konsepto. Mahalaga ang pagsasalin sa wikang Filipino ng bahaging ito ng aklat upang mas madaling mabasa, maunawaan, at magamit ito ng mga mag-aaral at mga mananaliksik na Pilipino, partikular sa panahong higit na kailangang mapaunlad ang katangian ng pag-iisip at interbensiyon na kritikal.
Mga susing salita: Pagsasalin, sosyolohikal na imahinasyon, C. Wright Mills, sosyolohiya, agham panlipunan
ABSTRACT
Charles Wright Mills (1916-1962) was a sociologist and Professor of Sociology at Columbia University. He is most well-known for his book The Sociological Imagination (1959), a classic work where he proposed a conceptual outline and method to investigate society-at-large and challenged students and social scientists alike to engage in relevant studies of the social world. Although the book has ten chapters, the first chapter entitled The Promise is the most prominent, since this contains the definition, relevance, and conceptual outline of the Sociological Imagination. A Filipino translation of this text is therefore important to provide wider access and ease understanding and use for Filipino students and researchers, especially at a time when critical thinking and intervention are essential.
Key words: Translation, sociological imagination, C. Wright Mills, sociology, social science