Artemio Aranas: Panukalang Salin sa Filipino ng Isang Sugilanon ni Vicente Rama at ang English Translation Dito ni Rudy Villanueva
Abstract
ABSTRAK
Ang “Artemio Aranas” ay isang maikling kuwento (sugilanon) sa Sugbuanong Binisaya na inakda ni Vicente Rama, kuwentista, peryodista, at politiko mula Cebu. Isinalin ang “Artemio Aranas” sa Ingles ni Renato Madrid, ang sagisag-panulat ni P. Rodolfo Villanueva, at kasama sa mga salin na inilabas sa isang kalipunan noong 2003. Nakapaloob ang kuwento sa kontekstong historikal ng epidemya ng kolera na tumama rin sa Cebu at ibang bahagi ng Pilipinas noong unang dekada ng siglo 20. Iyan ang tatalakayin sa unang bahagi ng papel. Mapapansin sa naratibo ang tunggalian ng tradisyonal na paniniwala at ng mga “bago” noong konsepto na hatid ng medisinang Kanluranin na dinala ng mga mananakop noong Amerikano. Bukod pa rito ang tunggalian sa pagitan ng nakatatanda at mga kabataan, sa loob ng mga pagbabago sa politika, mga wikang opisyal, at kultura sa kapuluan. Kapansin-pansin din ang pagpaksa ng kuwento sa maling pagpapalaganap ng impormasyon umano ng ilang pahayagan sa Cebu at ang pagmamatigas ng ilang mamamayan ng bayan sa harap ng isang epidemya. Ipinapanukala ng may-akda ang salin sa Filipino ng kuwento upang higit na maipaabot sa mga mambabasa na walang access sa orihinal na Sugbuanong Binisaya o saling Ingles. Babanggitin din ang ilang suliranin at siwang sa pagsasalin, lalo na at may mediasyong isinagawa ang Ingles sa pagsasaling ito.
Susing salita: Vicente Rama, salin, kathang pangkasaysayan, kolera
ABSTRACT
“Artemio Aranas” is a short story or sugilanon in Sugbuanong Binisaya. It was written by Vicente Rama: fictionist, newspaper editor, and politician from Cebu City, Cebu. “Artemio Aranas” was translated into English by essayist-fictionist Renato Madrid (nom de plume of Fr. Rodolfo Villanueva) and was among those rendered into that language in a compilation of Rama’s works released in 2003. The short story was situated during one of the cholera epidemics that hit Cebu in the 1900s. That context will be discussed in the first part of the paper. One can notice in the narrative the tensions between “modern, scientific” knowledge in medicine that were brought by American occupiers and the traditional beliefs being held by the Cebuanos during at that time. There were also tensions between the “older” and “younger” generations that broke out amid the political, cultural, and lingustic changes raveling in the archipelago during those times. “Artemio Aranas” also features the perceived misinformation by some newspapers in Cebu on the epidemic and the bull-headedness of some people in that capital of Cebu province. This author recommends a Filipino translation of “Artemio Aranas” in order to make the story more accessible to readers who do not have a copy, either of the Sugbuanong Binisaya original or of the English translation. The challenges in making this translation will also be mentioned.
Keywords: Vicente Rama, translation, historical fiction, cholera