Ebalwasyon ng Patakarang Pangwika ng UP Integrated School (2003–2016): Implikasyon sa Patakarang Pangwika ng Pilipinas sa Edukasyon <br>[<em>Evaluation of the UP Integrated School Language Policy [2003-2016]: Implications for Language Planning</em>]
Abstract
ABSTRAK
Pangkalahatang layunin ng papel na makapag-ambag sa pagbibigay-solusyon sa suliraning pangwika sa sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas, sa partikular ay sa antas ng batayang edukasyon, sa pamamagitan ng ebalwasyon ng kasalukuyang patakarang pangwika ng University of the Philippines Integrated School (UPIS), ang yunit ng batayang edukasyon ng Unibersidad ng Pilipinas–Diliman. Bilang isang awtonomong institusyon at laboratoryong paaralan, at sapagkat nagpatupad ito ng patakarang pangwikang bukod-tangi sa kasaysayan ng batayang edukasyon sa bansa, mahalagang makita ang mga karanasan nito upang maging sanggunian o modelo sa pagpaplanong pangwika sa ibang mga eskuwelahan. Historikal-deskriptib ang papel na sumuri sa kasaysayan ng UPIS Patakarang Pangwika ng 2003 at inebalweyt ito sa pamamagitan ng paglalarawa’t paghahambing ng sitwasyong pangwika bago at matapos itong ipatupad. Ang mga resulta ng pag-aaral ay konsistent sa mga nauna nang imbestigasyon sa kasaysayan na nagpapakita ng bisa ng wikang katutubo at pambansa sa edukasyon, gayundin ay sinususugan ng/ang mga sosyo-politikal na analisis nina Tollefson (1991), Phillipson (1992), at Tupas (2013) ukol sa umiiral na gahum ng wikang Ingles sa lipunang Filipino.
ABSTRACT
The paper aims to contribute in addressing the problem of language in the Philippine educational system, in particular at the level of basic education, through the evaluation of the current language policy of the University of the Philippines Integrated School (UPIS), the basic education unit of the University of the Philippines–Diliman. As an autonomous institution and laboratory school, and because it has implemented a unique language policy in the history of basic education in the country, it is important to examine its experiences to serve as a reference or model of language planning in other schools. A historical-descriptive study, the paper studied the history of the 2003 UPIS Language Policy and evaluated it by describing and comparing the language situation before and after its implementation. The results reaffirm previous investigations on the effectiveness of the native and national languages in education and support the socio-political analyses of Tollefson (1991), Phillipson (1992), and Tupas (2013) regarding the hegemony of the English language in Philippine society.
KEYWORDS: batayang edukasyon (basic education), ebalwasyon (evaluation), pagpaplanong pangwika (language planning), patakarang pangwika (language policy), pambansang wika (national language)