Ang Daluyan: Journal ng Wikang Filipino ay isang refereed journal na inaasahang mailathala dalawang beses kada taon. Ito ay monolingguwal sa Filipino at may layuning paunlarin ang pag-aaral at pananaliksik tungkol sa wika, panitikan at kulturang Filipino at pagyamanin ang diskurso sa iba't ibang disiplina gamit ang wikang Filipino.
Announcements
Panawagan para sa DALUYAN Regular na Isyu 2022 |
|
Tumatanggap ang UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman ng mga papel at pananaliksik para ilathala sa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Tomo XXVIiI. Isang interdisiplinaryong refereed journal ang Daluyan na monolingguwal sa Filipino. Pangunahing layunin nito na paunlarin at palawakin ang mga pag-aaral tungkol sa wika, panitikan at kulturang Filipino, at pagyamanin ang saliksik, kaalaman at diskurso sa iba’t ibang disiplina gamit ang wikang Filipino. Deadline ng pagsumite: 10 Disyembre 2021 para sa Tomo 28, Blg. 1 (Agosto 2022) 1 Abril 2022 para sa Tomo 28, Blg. 2 (Disyembre 2022) Maaaring talakayin ang iba’t ibang paksa kaugnay ng: • wikang pambansa, panunuring pampanitikan, araling kultural, at linggwistiks • mga wika sa Pilipinas, sistema ng edukasyon, polisiya at patakarang pangwika, pagsasalin, kulturang popular, at mga isyu ng globalisasyon at internasyonal na ugnayan • iba’t ibang disiplina at larangan ng kaisipan, tulad ng mga agham panlipunan, pilosopiya, migrasyon, agham pangkalikasan, mass media, kasarian at seksuwalidad, siyensiya at matematika, ekonomiya, pagpaplanong urban, medisina, batas, arkeoloji, at iba pa Kailangang orihinal at hindi pa nailalathala o naisusumite para sa konsiderasyon ng ibang publikasyon o journal ang papel o pananaliksik, elektroniko man o limbag na anyo. Isaalang-alang ang sumusunod na kahingian para sa isusumiteng artikulo: • Naka-encode o kompiyuterisado, doble espasyo, at gumagamit ng font na Times New Roman na may laking 12 puntos na binubuo ng 5,000-7,000 salita (15-20 pahina). Ang mga akdang lalagpas sa itinakdang bilang ng mga salita ay maaari pa ring tanggapin at ituturing na eksepsiyon. • May nakalakip na abstrak at limang susing salita na parehong nasa Filipino at Ingles. • Ang dokumentasyon ay nakaayon sa format na itinatakda ng MLA Seventh Edition. • Maaaring lakipan ng biswal na materyal (may kulay o black and white) gaya ng orihinal na larawan, ilustrasyon, graph, matrix, mapa, at iba pa. Tungkulin ng awtor na kumuha ng permiso sa anumang materyal na may karapatang-ari. Isumite ang artikulo bilang lakip o email attachment (MS Word) sa swf.daluyan@gmail.com. Maglakip rin ng maikling tala sa sarili na naglalaman ng kasalukuyang akademikong posisyon, digri, kinabibilangang larang, espesyalisasyon, pinakabagong publikasyon, pananaliksik at iba pang mahahalagang impormasyon. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Gng. Angelie Mae T. Cezar sa (+632) 8924-4747 o (+632) 8981-8500 lokal 4583. |
|
Posted: 2018-09-05 | |
More Announcements... |